0

NU 107










DWNU, operating as NU 107, is the flagship radio station of Progressive Broadcasting Corporation in the Philippines. The station's studio is located at the ground floor AIC Gold Tower, F. Ortigas Jr. Rd., Ortigas Center, Pasig City.

Read more...
0

HOME RADIO 97.9




Read more...
0

MAX FM 103.5










DWKX, branded as 103.5 Max FM (identified as "103-and-a-half Max FM" on air), is an FM radio station owned by Advanced Media Broadcasting System, Inc. The station's studio is located in Ortigas Center, Pasig City, with its transmitter located in Mandaluyong City.
It was known as K-Lite 103.5 from 1995 - 2007 and Heart 103.5 from January 2007 - June 2007.

Read more...
0

UR UNDERGROUND 105.9










DWLA, operating as UR Underground Radio 105.9, is a music FM station owned and operated by Rajah Broadcasting Network, Inc. in Makati City, Philippines. The station's studio is located in Makati City.

Read more...
0

RADYO NATIN










Radyo Natin is the biggest radio network in the Philippines. Composed of 100 stations strategically across the nation, Radyo Natin is able to reach audiences that has never been reached before by another radio station.
Although Radyo Natin is found in the FM band, Radyo Natin, in the mornings hook up with Manila Broadcasting Company's flagship station, DZRH, to offer its listeners the information they need about the country's situation.

Read more...
0

RJ FM 100.3










DZRJ-FM, branded as RJ 100 is a music FM radio station in the Philippines owned by Rajah Broadcasting Network, Inc. The station's studio is located in Jupiter St., Makati City, while the transmitter is located in Brgy. San Roque, Antipolo City. The station plays a unique mix of music from the 1950's to contemporary, including American, British, and Filipino music. The music is mainly soft rock, but also includes pop, soul, R&B, disco, and 50's and 60's hits.

Read more...
0

CROSSOVER FM 105.1










105.1 Crossover (DWBM 105.1 MHz Metro Manila) is a music FM station owned and operated by Mareco Broadcasting Network, Inc. in the Philippines. The station's studio is located at Sta. Mesa Heights, Quezon City, while its transmitter is located at Brgy. San Carlos, Binangonan, Rizal.

Read more...
0

YES! FM 101.1










Read more...
0

BARANGAY LS 97.1









DWLS, operating as Barangay LS 97.1, is the flagship FM radio station of Radio GMA Network Inc. (RGMA, a subsidiary of GMA Network Inc.) in the Philippines. The station’s studio is located at the GMA Network Center in Quezon City, while its transmitter is located at Tandang Sora, Quezon City, Philippines.

Read more...
0

MAGIC FM 89.9










DWTM (89.9 MHz in Mega Manila) is the flagship FM station of Quest Broadcasting Incorporated/The Radio Partners Inc. Known as Magic 89.9, the station's two studios are located at Paragon Plaza, Mandaluyong City and Eastwood City Cyberpark, Libis, Quezon City.

Read more...
0

MONSTER RADIO RX 93.1










DWRX, currently branded as Monster Radio RX 93.1, is a music FM radio station owned by Audiovisual Communicators Inc. in the Philippines. The station's studio is located at the 17th floor of Strata 2000 Bldg., Emerald Avenue, Ortigas Center., Pasig City. Before its current brand, it was known as RX93 from 1983 - 1995.

Read more...
0

EASY ROCK 96.3










DWRK, broadcasting as 96.3 Easy Rock, is a music FM radio station owned by Cebu Broadcasting Company in the Philippines. The station is currently broadcasting from Star City Complex, Pasay City with transmitter at the 11th floor of FEMS Tower 1 on the corner of Zobel Roxas and Osmeña Highway, Manila. The main format of the station is lite rock music.

Read more...
0

I FM 93.9










DWKC-FM, under the brand iFM, is a music FM radio station owned and operated by Radio Mindanao Network in the Philippines. The station's studio is located at Unit 806, Atlanta Centre Annapolis Street Greenhills, San Juan City and transmitter is located at Palos Verdes Village, Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal.

Read more...
0

ENERGY FM 91.5










DWKY, under the brand 91.5 Energy FM, is a music FM radio station owned and operated by Ultrasonic Broadcasting System Inc. (UBSI) in the Philippines. The station's studio is located at Pasig City. Energy FM is the third radio station to have a Contemporary Hit Radio format next to 99.5 RT and U92.

Read more...
0

LOVE RADIO 90.7










DZMB, branded as 90.7 Love Radio, is the flagship FM station of Manila Broadcasting Company in the Philippines. The station's studio is located at Star City, CCP Complex, Pasay City.

Read more...
0

WAVE 89.1











DWAV, broadcasting as Wave 891, is a music FM station owned and operated by Blockbuster Broadcasting System, Inc. in the Philippines. The station's studio is located at the Strata 2000 Bldg., Ortigas Center, Pasig City, with its transmitter located along the Coca-Cola Plant at Roosevelt Avenue, San Francisco del Monte, Quezon City.

Read more...
0

JAM 88.3












DWJM-FM, currently branded as JAM 88.3, is a music FM station owned and operated by Raven Broadcasting Corporation. The station's studio is located in Ortigas Center, Pasig City.

Read more...
18

Sad Tagalog Love Story

isang araw,tinanong ng lalaki kung ano ang ibigsabihin ng buhay para sa girl friend nya(as in best friend)... sabi ng girl

Girl: life is one of the gifts of God... a blessing from heaven,kung wala ito marahil wala naring magmamahalan sa mundong ito... E ikaw?!

Guy:life for me is you...without you...life is
non-sense,mas maganda nang ako na lang ang mawala kaysa ikaw...

Girl:'Wag ka ngang ganyan!

Guy:totoo naman eh!for 4 years na
magbestfriend tayo...minahal na kita...totoo na itoh...

Girl:pwede ba!tumigil ka nga!

Guy:bestfriend...I really love you,more
than anything in this World...ikaw,mahal mo ba ako?

Girl:pero alam mo namang may boyfriend na ako...bakit ngaun mo lang sinabi?!

tumakbo ang girl at iniwanan ang lalaki...after 3 days, anniversary na ng friendship nila,may natanggap na phone call ang girl...

Girl:hello!?

- - -:hello?jen?

Girl:hello,si jen nga ito...sino toh?

- - -:pumunta ka sa 23 catastrophe st. greenpark Village...

Girl:huh?hello???cno

(naputol ang linya...) natakot si jen na pumunta sa lugar na iyon dahil hindi niya alam kung pano haharapin ang nagmamahal sa kanya na si Nieve(bestfriend niya)...pero pumunta pa rin siya. ang hindi niya alam...

Mom of Nieve:jen?!buti nakarating ka...pano mo nalaman?

Jen:nalaman ang ano tita?

Mom of Nieve:wala na si Nieve...matagal na siyang nanghihina... may Cancer siya,ayaw niya itong ipaalam sayo...

Napatigil si jen...

Mom of Nieve:ito nga pala ang regalong gusto niya sanang ibigay sayo ngaung anniversary niyo...

isang kahong puno ng letter ang laman ng kahon binasa niya ang isa...

Dear jen,
hello!alam mo matagal na kitang gusto...natatakot akong sabihin ito pagkat ayokong lumayo ka sakin...mahal na mahal kita ikaw ang bumago sa buhay ko...dahil sa iyo nalaman ko na mahalaga ang buhay,mahal na...



(hindi nya tinuloy ang sulat...)
Lumapit siya sa kabaong at sinabi...

jen:kung alam mo lang Nieve...minahal kita,akala ko hindi mo ko napapansin kaya naman binaling ko sa iba ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa iyo...mahal parin kita Nieve...kung alam mo lang....

"Love is too selfish minsan,kung kailan handa ka nang tanggapin ang hamon...saka naman ipagdadamot sa iyo ang katotohanan kaya if u luv someone say to him/her dat u love her b4 its too late..."



If you love someone sabihin nyo na ng mas maaga...para hindi tayo magregret... saying..."wat if o kung sana lang"...db?

Read more...
1

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Read more...
0

Ang Aso at Ang Pusa

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.

Read more...
0

Ang Palaka at Ang Kalabaw

Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.

"Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan.
May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay,
nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.

"Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw,"
natatawang sagot ng amang palaka.

"Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.

"Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, "
pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at
pinalaki ang kanyang tiyan.

"Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.

"Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung
pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya.

"Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.

Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng
suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas
na "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng
ng amang palaka.

Read more...
0

Pilosopo

Teacher: "I am your teacher, I am good in three languages."
Juan: "What are the subjects you're good at?"
Teacher: "Oh, I like Math and English."
Juan: "How do you say 'good morning' in Algebra?"
Read more...
0

Speaking Japanese - Filipino/English to Japanese translations:

Manok - Sekken
Mamaya - Sakana
Joke - Biru
Stereo - Akai
Cook - Giza-giza
Ayos - Furo oke
Fingernail - Koko
Laughed - Anata-wa
This - Itto
Small piece of cloth - Retasu
Cornfield - Mais-san
Hindi Masyado - Natsu
Cigarette - Yoshi
Ipagpaumanhin - Kamisori
Is this your property? - Arimoto?
Yes, this is my property.- Arikoto.
Is this yours? - Sayobato?
This is mine. - Sakinitu.
Can I have it? - Akinato?
You can have it. - Sayonato.
Can we have it? - Saminato?
You can have it. - Sanyonato
You've grown so thin! - Kitanabutomo!
We saw each other. - Kitakami.
We had a big get-together. - Kitakitakami.
That was my assumption. - Inakarako.
We will boycott the election. - Kaminoboto.
Are you a victim of discrimination? - Minamatakaba?
I give up. - Sukonako.
Ouch! - Haraiku!
What a sad life it is. - Hainaku.
Is this your car? - Otomoto?
Is this my car? - Otokoto?
Is this your noodles? - Mikimoto?
I'll take this. - Kukuninkoto.
This is my desk. - Itodesko.
Speechless? - Wasabe?
Ampalaya (bittermelon) - Kurukurubot
What are your thoughts? - Kuru-kuromo?
I am thinking. - Munimuniko.
Are you playing the guitar? - Gigitaraka?
Is this your underwear? - Jakeemoto?
Are you annoyed already? - Iniskanabane?
You're crazy!!! - Sirauromo!!!

Read more...
0

Bakit Mas Maliwanag ang Araw kaysa sa Buwan

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , nakatuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuaso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Ang ibang alamat ay nagpapaliwang bakit ang langit ay mataas.

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon. Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbumayo ng palay. Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit. Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.

Read more...
3

Ang Lawin At Ang Paglikha Sa Daigdig

NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.

Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.

Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.

Read more...
0

Ang Mga Anak Ni Limocon

NUONG pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig, naglipana ang mga limokon, isang uri ng kalapati na malakas at marunong magsalita tulad ng tao bagaman at sila ay anyong ibon. Minsan, isang limokon ay nangitlog - isa sa bukana ng ilog Mayo, at isa sa puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng panahon, napisa ang 2 itlog at, at sa halip na limokon, ang lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.

Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang magkahiwalay, at walang malay na ibang tao na buhay maliban sa sarili nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at panay ang hangad na magkaruon sila ng kasama.

Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng kapwa tao dahil isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang patid sa kanya, tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang makapal na buhok ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino nagmula ito.

Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang magkabilang pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog. Tuwang-tuwa sila kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming naging anak - mga tao na tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa rin sa tuntunin ng ilog Mayo.

Read more...
0

Kaya Tumaas Ang Langit,

MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay ang isang matandang dalaga upang magbayo ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay mula sa buhok, at mula sa leeg, ang kanyang butil-butil na kuwintas, at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat.

Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo, tinamaan niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit.

Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alaha ng matandang dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan. Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala na kumikinang tuwing gabi.

Read more...
0

Baha: Ang Paglunod Sa Daigdig

Mula sa mga Bukidnon sa Mindanao

NUONG matagal nang nakaraan, may isang dambuhalang alimango na lumusong sa dagat. Dahil sa laki niya, umapaw ang dagat at natakpan ng tubig Ang buong daigdig. Lahat ay nalunod.




Bandang isang buwan bago nangyari ito, hinayag ng isang marunong lalaki sa mga tao na dapat silang gumawa ng isang malaking balsa. Sumunod ang mga tao, pumutol ng maraming malalaking punong kahoy at pinagtali-tali hanggang nakagawa sila ng 3 palapag. Tapos, iginapos nila ang balsa ng mahaba at matibay na yantok (caña, rattan) sa isang malaking puno na nakatusok sa lupa.

Hindi nagtagal pagkatapos nila, dumating ang malaking baha. Umagos ang tubig mula sa mga bundok at umapaw ang dagat hanggang natakpan pati ang mga pinaka-matayog na bundok. Nalunod lahat ng tao at hayop, naligtas lamang ang mga nakasakay sa balsa. Paghupa ng tubig, natuklas nilang malapit sila sa kanilang tahanan sapagkat hindi napatid ang yantok na pinang-gapos nila sa puno. Natuklas din nila na sila na lamang ang nalalabing tao sa buong daigdig.

May hawig itong alamat sa diluvio universal ng Biblia kaya ang unang hinala ay hiniram lamang mula sa mga catholico at Muslim sa paligid at inilapat ng mga Bukidnon sa sariling diwa. Gayon man, may katangian ang alamat ng pagbaha ng ibang Pilipino na kakatwa sa ulat ng catholico at Muslim.

Mula sa mga Igorot ng Cordillera

NUONG unang panahon, walang mga bundok, pantay at patag ang daigdig. Si Lumawig, ang dakilang diwata, ay may 2 anak na lalaki na mahilig mangahoy. Ang hirap lamang, walang bundok kaya walang mainam na puok manghuli ng hayop kaya minungkahi ng mas matandang kapatid, “Patagasin natin ang tubig hanggang matakpan ang buong daigdig, nang tumaas ang lupa at magkaruon ng mga bundok!”

Pina-agos nga nila ang tubig at nang lunod na ang buong daigdig, kinuha nila ang buslo ng ulo ng kabayanan at ginamit nilang bitag parang panghuli ng isda. Tuwang-tuwa ang magkapatid nang nakita ang nahuli nila sa bitag, maraming usa at baboy damo. At maraming tao na nalunod din sa bahâ.

Mula sa kanyang luklukan sa langit, napansin ni Lumawig ang pagbahâ sa daigdig na ginawa ng kanyang mga anak. Nakita niyang nalunod lahat ng tao maliban sa isang lalaki at isang babaing magkapatid sa Pokis. Pinasiya ni Lumawig na bumaba sa lupa at sagipin ang magkapatid.

“Buhay pa pala kayo,” sabi ni Lumawig sa batang magkapatid.

“Opo, buhay pa kami,” sagot ng kapatid na lalaki, “subalit ginaw na ginaw kami.”

Inutusan ni Lumawig ang kanyang usa at aso na ikuha ng apoy upang magpa-init ang magkapatid. Agad lumangoy sa baha ang 2 hayop subalit matagal nang naghihintay si Lumawig, hindi pa bumabalik ang kanyang usa at aso. Lalo giniginaw ang magkapatid kaya lumakad na rin si Lumawig at hinanap ang kanyang mga inutusan.

“Bakit ba ang tagal-tagal ninyong magdala ng apoy sa Pokis?” tanong ni Lumawig pagkakita sa usa at aso. “Bilisan ninyo at susubaybayan ko kayo, nangangatog na yung mga batang lalaki at babae!”

Kumaskas ang usa at aso subalit saglit pa lamang sila lumalangoy, nabasa sa bahâ at namatay ang dala nilang apoy. Pinakuha sila ng apoy ni Lumawig. Sa pang-2 pagkakataon, nagdala ng apoy ang 2 hayop subalit nabasa uli at namatay ang apoy na dala ng usa. Pati ang apoy na dala ng aso ay muntik nang mamatay din kung hindi sinunggaban ni Lumawig, at siya na ang nagdala sa Pokis.

Gumawa ng malaking sigâ si Lumawig at nabuhayan ang magkapatid. Sa init ng apoy, natuyo rin ang baha na bumabalot sa daigdig kaya, hindi nagtagal, nagbalik ang dating hugis ng daigdig maliban sa, ngayon, mayruon nang mga bundok. Nag-asawa ang magkapatid at nagka-anak ng marami at ganuon nagka-tao uli sa daigdig.

Mula sa mga Ifugao ng Cordillera

Hindi umulan nuong isang matagal na tag-tuyot sa nakaraan at, sa init ng araw, natuyo lahat ng ilog. Minungkahi ng mga matanda na hukayin ng mga tao ang mga sahig ng ilog upang malantad ang diwa ng ilog. Tatlong araw naghukay ang mga tao bago biglang bumulwak ang tubig. Sa lakas at bilis ng agos, marami sa mga naghukay ang nalunod subalit tuwang-tuwa ang mga Ifugao at nagdiwang sila sa pagbalik ng maraming tubig. Nagsasaya pa sila nang nagsimulang bumagsak ang malakas na ulan.

Hindi tumigil ang ulan at nagsimulang umapaw ang mga ilog hanggang umabot ang bahâ sa bundok. Pinayuhan ng mga matanda ang mga tao na umakyat sa mga tuktok ng bundok sapagkat nagalit daw ang diwata ng mga ilog. Nagtakbuhan ang mga tao subalit inabutan sila ng tubig at 2 lamang, ang magkapatid na babae at lalaki, ang nakaligtas sa pagka-lunod. Ang magkapatid, sina Wigan at Bugan, ay napipilan sa tuktok ng 2 bundok, ang Amuyao at Kalawitan. May sapat silang pagkain subalit ang kapatid na babae lamang, si Bugan, ang may apoy kaya ginaw na ginaw si Wigan, ang kapatid na lalaki.

Pagkaraan ng 6 buwan, natuyo rin ang bahâ at naiwang uka-uka at matatarik ang lupa. Sinundo ni Wigan ang kapatid sa bundok Kalawitan at namahay sila sa libis. Pagtagal, napuna ni Bugan na buntis siya. Hiyang-hiya siya dahil ang kapatid ang bumuntis sa kanya kaya tumakas siya at naglakad pabaybay sa ilog.

Isang diwata, si Maknongan, ang nagpakita sa kanya bilang isang matanda. Pinahinahon niya si Bugan at sinabing hindi siya dapaat mahiya sapagkat silang dalawa lamang ng kapatid niya ang makakapag-parami uli ng tao sa daigdig.

Mula sa mga Kiangan Ifugao ng Cordillera

Si Kabigat ang unang anak na lalaki ni Wigan, isang diwata. Umalis siya sa Hudog, kasama ang kanyang mga aso, at bumaba sa lupa upang mangahoy. Nabigo siya sapagkat patag ang buong daigdig kaya hindi niya narinig ang alingawngaw ng kahol ng kanyang mga aso. Matagal nag-isip si Kabigat bago nagpasiyang bumalik sa Hudog at kumuha ng isang malaking tela (cloth). Isiniksik niya ito sa bukana ng mga ilog (rios, rivers) upang harangin ang agos ng tubig papunta sa dagat. Pagkatapos, bumalik uli sa Hudog si Kabigat at sinabi kay Bongabong ang ginawa niya.

Nagtungo si Bongabong kina Ulap at Hamog at inutusang umuwi sa kanilang ama, si Baiyuhibi. Si Baiyuhibi ang nag-utos sa kanyang mga anak na umulan sa lupa hanggang hindi sila pinatigil ni Bongabong. Tatlong araw bumuhos ang ulan at natakpan ang buong daigdig bago sila pinahinto ni Bongabong. Nuon inutos ni Wigan sa kanyang anak, si Kabigan, na alisin na ang harang na tela sa mga ilog. Sa lakas ng sambulat ng naipong tubig, nauka ang mga libis at nabuoang mga bundok. Inutusan naman ni Bongabong si Mumba’an na patuyuin ang lupa.

Mula sa mga Atá sa Mindanao

Tinakpan ng tubig ang buong daigdig. Nalunod lahat ng Atá maliban sa 2 lalaki at isang babae na tinangay ng agos sa gitna ng dagat. Namatay dapat sila kung hindi dumating ang isang malaking lawin (aguila, eagle) at inalok silang sumakay sa kanyang likod at ililipad niya pabalik sa kanilang tahanan. Tumanggi ang isang lalaki, subalit sumakay ang pang-2 lalaki at ang babae at ibinalik sila ng ibon sa Mapula.

Mula sa mga Mandaya sa Mindanao

Isang malaking bahâ minsan nuong nakaraan ang lumunod sa lahat ng tao sa daigdig maliban sa isang buntis na babae. Dinasal ng babae na, harinawa, maging lalaki ang kanyang anak. Natupad ang kanyang panalangin at pinangalanan niyang Uacatan ang kanyang anak na lalaki. Nang lumaki si Uacatan, nag-asawa sila ng kanyang ina at lahat ng Mandaya ay nagmula sa kanilang dalawa.

Read more...
0

Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.




Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.

Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.

Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.

Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.

Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang maningisda, at pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni Barabas ang pobre.

Nakarating sa aswas ng mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan niya at kinatok an gang tirahan ng pinuno.

Galit na Galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok na magdadaing ang aswa ng mangingisda at naroon siya upang ipakiusap na pakawalan na ang ikinulong. Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng Sultan na ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat sa mga langgam ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang maging produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda ay pinasusukaan agad sa magdadaing.

Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging anak na naiwan sa kailang tahanan.

Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy na totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.

"Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?"

"Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinaparusahan sila at ipinakulong sa mga kasalang hindi nila dapat pagdusahan."

"Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po sila makawala sa kulungan."

Nang makita ng ada na lumuluha ang kaisa -isang anak ng mangingisda at magdadaing ay naawa sila.Nang gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta sa kaharian.

Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.

"Sino ka at ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?"

"Gutom na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo."

"At bakit sa akin ka hihingi ng pagkain mo?" nagaalborotong tanong ng Sultan.

"Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinagdadaing mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan."

"Lintik na bata ka!" nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan." Ano ang karapatan mong himingi ng anuman sa aking mesa?"

"Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda atmagdaing. Mga magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin.?"

"Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?" nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.

Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at nag-iinsultong nagwika, " Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang habulin mo at ipakulong mo, "nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.

Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya ng hinabol ang musmos.Hindi maabut abutan ang sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na harding kinatataniman ng maraming punongkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang Sultang walang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.

Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.

Ang kamatayan ng ganid na dapat sana'y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.

Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang nagkakasala. Hindi rin siya padalos-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasya sa kaso ng sinumang nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kanya ang lahat ay pantay-pantay sa napipiringang katarungan.

Sapagkat totoong makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng krapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng anumang prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang panunungkulan ng makatarungang Sultan.

Isang araw na naglilibot ng hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.

Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at tuktok.

"Si Barabas yan!"sigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.

"Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!"

Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.

"Pagkaasi-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!"

Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at huminog na Napangiti ang lahat ng pitasin ang bunga at kagatin.

"Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!"

Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot na, "Barabas, Barabas, Bayabas!"

Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.


Read more...
0

Alamat ng Aso

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.




Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.

At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.

"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.

"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.

Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.

Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.

Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.

Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.

Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.

Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.

Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.


Read more...
0

Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.




Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada.

Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.


Read more...
0

Alamat ng Alagaw

Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigan natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro Ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip Ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim Ang pangangasiwa ng ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal Ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.




Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay."

"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."

Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."

Naghiwalay sila.

Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan.

Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.

Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.

Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.

Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.

Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...


Read more...
0

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.




Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na Wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.



Read more...
0

Privacy Policy

Privacy Policy

This policy applies only to information gathered through the Service, including the download and use of Materials through the Service, but not to other off-line transactions with xat, nor to transactions with any third party not owned or controlled by xat. By using the Service you agree to accept the practices and terms set forth in this Privacy Policy.
Personally Identifiable Information You Provide

You may also be asked to provide personally identifiable information in order to use certain Services and to obtain support from xat. This information may include your name, address, telephone number, credit card number (for paid Services), e-mail address and instant messenger user/screen name, as well as the e-mail addresses, user/screen name and telephone numbers of those to whom you send content. Other Users may also provide us with your e-mail address, user/screen name, or telephone number in order to send you content. If you do not want to provide xat with any personally identifiable information, you should not use the Services that require such information.
Non-Personally identifiable and Aggregate Information

The non-personally identifiable information that we may gather includes your gender, age, zip code, country or territory of residence, IP address, the type of browser that you use, the type and nature of the content that you upload to the Service and access from the Service, the comments and communication that you enter into the Service, the links and transactions with us and with third-parties that you enter into via the Service, and other aspects of your use of the Service. xat uses this information to improve the Service, conduct research, to analyze your and other User's interest in the areas of the Service, to tailor advertising and content displayed to you and other Users, and to inform our advertisers about the number of Users that have viewed their advertising. To do this we may combine information that we have about you with information that we obtain from business partners or other companies. We may also release aggregate demographic information about User trends to partners and other third parties, including third-party advertisers on the Service. An example of this type of information would be patterns of use of the Service based on zip code or age group. We also retain aggregated log files of requested content in order to report overall product usage to content partners and to evaluate User trends.
Use and Disclosure of Personally Identifiable Information

xat does not rent or sell personally identifiable information, such as your name or e-mail address, to advertisers.

xat may use your personally identifiable information:

To deliver you the Service and send you notices related to the Service, your Account and necessary updates. This includes fulfilling your requests for products and services and delivering content to you that is sent by other Users. To deliver your content to other Users (we will share your User name with Users to whom you send content). If you do not want to share this information, you should limit the content that you share and the Users that you share it with.

To e-mail you our newsletter, promotions and special offers from us and our partners. You may remove yourself from this list at any time by replying with unsubscribe in the subject of any e-mail that we send to you. To manage your Account and Account access, provide you with Software and Materials, purchase confirmations, support and customer service and to keep track of support and customer service requests.

To determine the technical capabilities of your device and the appropriate content to deliver to you. xat may disclose personally identifiable information to its partners in order to provide the Service, resolve service problems and correct errors in the Service (including customer inquiries, billing and credit corrections), to communicate with you about the Service, to provide you with advertising and promotional information in connection with the Service, and to enhance your experience on the Service. However, these companies do not have an independent right to share this information. Due to our contractual obligations with these third parties and the need to share personally identifiable information to deliver and support the Service, we cannot provide you with the opportunity to opt-out of sharing personally identifiable information with these third parties.

Your personally identifiable information may be provided to a third party if xat files for bankruptcy, or there is a transfer of the assets or ownership of xat. xat may also disclose personally identifiable information in order to respond to a subpoena, court order or other such request, or to otherwise establish or exercise our rights, or defend against legal claims. xat may also provide such personally identifiable information order to investigate, prevent and take action regarding fraud or misuse of the Service, to comply with law or in response to a law enforcement agency's request, to enforce our Privacy Policy and end user agreements, and to protect the rights, property and safety of the Service, Users and others.

In addition to other Users that you designate, xat, its partners, and each of their contractors and employees may view the content that you upload to the Service in order to provide the Service and otherwise perform the tasks set forth in this Privacy Policy.
Cookies and Pixel Tags

Cookies and Flash Local Shared Objects are small bits of data that are deposited on a User's hard drive. The Service utilizes Cookies, Flash Local Shared Objects and IP addresses for certain functions. Cookies permit Users to store their password and other User information without having to constantly re-enter this data. Cookies also permit xat and our advertisers to tailor the Service and advertising to your needs. Some of the advertising served through the Service may be supplied by one or more third parties who may also use cookies. In addition, we may also record the pages you visit on our Service through the use of pixel tags (also called "clear gifs" or "beacons").
Children

xat does not knowingly collect personal information from children under the age of 13. xat requests that children under the age of 13 not use the Service nor submit any personal information to the Service. Since information regarding children under the age of 13 is not collected, xat does not knowingly use or distribute personal information regarding children under the age of 13. If xat obtains actual knowledge that it has collected personal information about a child under the age of 13, that information will be immediately deleted from our database.
We use third-party advertising companies to serve ads when you visit our website. These companies may use information (not including your name, address, email address or telephone number) about your visits to this and other websites in order to provide advertisements about goods and services of interest to you. If you would like more information about this practice and would like to know your options in relation to�not having this information used by these companies, click here.
Contact, Corrections and Updates

If you have any questions or comments about this policy, please contact http://xat.com/Support.
Other Websites and Services

xat is not responsible for the privacy policies of websites and services to which the Service links, or of which the Service is a part. If you provide any information to such third parties different rules regarding the collection and use of your personal information may apply. We strongly suggest you review such third party's privacy policies before providing any data to them.
Security

xat takes appropriate steps to help ensure data privacy and security including through various hardware and software methodologies. However, due to the open communication nature of the Internet, we cannot guarantee that communications between you and the Service, and the Service and you, will be free from unauthorized access by third parties. Users of the Service do so at their own risk. xat cannot guarantee the security of any information that is disclosed online.
Advertising
We use third-party advertising companies to serve ads when you visit our website. These companies may use information (not including your name, address, email address or telephone number) about your visits to this and other websites in order to provide advertisements about goods and services of interest to you. If you would like more information about this practice and would like to know your options in relation to not having this information used by these companies, click here.
Reasonable Efforts

We will use reasonable efforts to comply with this Privacy Policy and will take prompt corrective action when we learn of any failure to comply with our Privacy Policy. We sometimes release beta versions of our products and services, which are further refined before the release of the final version. Because these products and services are still in a test phase, we may not always catch an unintended privacy issue, despite our efforts to do so. As such, we welcome User feedback on any privacy concerns you may have. In light of the above and because of the complex and constantly changing nature of our technology and business, and the security risks associated with using the Internet, xat does not guarantee error-free performance under this Privacy Policy. To the extent permissible under law, xat shall not be liable for any incidental, consequential or punitive damages relating to this Privacy Policy.
Modifications of the Privacy Policy

xat reserves the rights to modify its Privacy Policy at any time. Such modifications will become effective on the day they are posted. xat encourages you to frequently review the Privacy Policy for any modifications.
Read more...
0

Contact

test post
Read more...
0

About

Test post
Read more...
 
Copyright © CYBER PINOY 3.0 | Blogger Edition

The "Urban Elements" theme by: Press75.com

Converted into Blogger by Intro Blogger